Giliw ko kamusta na
Ang buhay sa Ibang bansa
Ikaw pa ba’y lumuluha
Dahil sa akin nawalay ka
Aking sinta hayaan mo
Ang pagtulo ng luha ko
Pagkat akoy nanibago
Ngayong wala sa piling mo
Sabihin mo oh bakit ba
Sa piling ko ika’y lumisan pa
Akoy sanay sa umagang
Ikaw ang unang nakikita
Pasensya na aking sinta
Pagkat ikay nadamay pa
Kalungkutang nadarama
Pagdurusa mo’y di ko sadya
Pinilit ko ang lumayo
Labag man sa kalooban ko
Pagkat ako’y mahirap lang
Pag iipon ay kailangan
Akoy babalik na may dala
Para sa aking prinsesa
Kamay mo ay hingin ko na
Mula sayo’ng mama’t papa
Di ko hangad ang karangyaan
Ako’y laki sa hirap lang
Ang gusto ko’y kapiling ka
Hanggang sa aking pagtanda
Kapit lang aking sinta
Sa akin ay magtiwala ka
Kahit ako ay malayo
Nag iisa ka sa puso ko
Aking sinta mangako ka
Sa puso mo’y walang iba
Pagkat sobrang mahal kita
Ako’y sayo at akin ka
Pakiusap ko sa iyo
Sarili mo ay alagaan mo
Ako sayo’y maghihintay
Pagkat mahal kitang tunay.......