(I)
Sa gabi ang simoy ng hangin
kay lamig at namumutawi
ang rikit ng iyong pag ibig
sa alapaap hihiling.
Hawak ko ang mga tala
na ikaw ay kasama,
sasayaw sa mga ulap,
hahagkan ka sa tuwina
at pagsapit ng umaga'y
mananalig sa langit
na sana
hindi lang sa panaginip....
(Chorus)
Sa pagsapit ng gabi
ay batid kong darating ka muli
sa panaginip
mananaginip na muling
ika'y makapiling.
Ika'y makapiling
Oh giliw
At natapos ang gabi
nakasama kang muli
gigising sa umagang
may ngiti sa mga labi.
(Chorus)
Sa pagsapit ng gabi
ay batid kong darating ka muli
sa panaginip
mananaginip na muling
Ika'y makapiling.
Ika'y makapiling
Kahit panaginip
Oh aking giliw
Sana'y makapiling...