menu-iconlogo
logo

muli

logo
avatar
Darlene/CHINITOlogo
ᶦᵅᶬ᭄🍰Dαʀℓεƞε🍰𝓢𝓮𝓼𝓼𝓲𝓸𝓷logo
Пой в Приложении
Тексты
OverviewLyricsListenVideos

Muling hinahanap ang dating paglingap na mula sa 'yo

Muling umaasa sa dating nadaramang laan sa 'yo

Mula nang magwakas, tapusin ang lahat

Ay naritong nagmamahal pa rin

Papa'no kaya maibabalik ang damdamin mong dati?

'Di ba't ikaw pa, unang may nais na tapusin na? (Tapusin na)

Habang panahon, pinilit limutin ka hanggang ngayon

Mula nang magwakas, tapusin ang lahat

Hindi makakailang ikaw pa rin

Papa'no kaya maibabalik ang hangaring dati?

Ba't 'di nagkatagpo? Bakit tuloy nagkalayo?

Bakit mayro'n pang nadarama gayong hindi na tayong dalawa?

Bakit magwawakas, pag-ibig na wagas?

Maari bang mangyari pang ibigin pang muli?

Kung muling iibig, 'wag sanang lisanin nang tulad noon

Pagluha'y 'di na kaya, 'wag sanang ulitin ang nangyari pang gayon (ooh)

Hanggang sa nagwakas, natapos ang lahat

Ay naritong nagmamahal pa rin

Pa'no pa ba maibabalik ang hangaring dati?

(Maari pa kayang muli?)

Ba't 'di nagkatagpo? Bakit tuloy nagkalayo?

Bakit mayro'n pang nadarama gayong hindi na tayong dalawa?

Bakit magwawakas, pag-ibig na wagas?

Maari bang mangyari pang ibigin pang muli?

Nandito lang ako (bago lumayo sa piling mo)

Higit kang kailangan kailanman (hanggang kailan kaya naman)

Mahal kita (tila), hanap ka (sana, tunay kaya ito?)

Minsan pang bigyan ng daan, pag-ibig na sa 'yo nakalaan

Ba't 'di nagkatagpo? Bakit tuloy nagkalayo?

Bakit mayro'n pang nadarama gayong hindi na tayong dalawa?

Bakit magwawakas, pag-ibig na wagas?

Maari bang mangyari pang ibigin pang muli?

Woah, oh, oh-oh, ooh

muli от Darlene/CHINITO - Тексты & Каверы