menu-iconlogo
logo

Kung Di Rin Lang Ikaw by monina/ oliver

logo
Тексты
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan

Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?

Kung hindi ikaw ay hindi na lang

Pipilitin pang umasa para sa 'ting dalawa

Giniginaw at hindi makagalaw

Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw

Kung 'di rin tayo sa huli

Aawatin ang sarili na umibig pang muli

Kung 'di rin tayo sa huli

Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan

Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan?

Kung hindi ikaw ay sino pa ba

Ang luluha sa umaga para sa 'ting dalawa?

Bumibitaw dahil 'di makagalaw

Pinipigilan ba ang puso mong iba'ng sinisigaw?

Kung 'di rin tayo sa huli

Aawatin ang sarili na umibig pang muli

Kung 'di rin tayo sa huli

Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Naliligaw at malayo ang tanaw

Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw

Kung 'di rin tayo sa huli

Aawatin ang sarili na makita kang muli

Kung 'di rin tayo sa huli

Aawatin ba ang puso kong ibigin ka? Ah-ah...

Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

(Papayagan ba ng puso ko?)

Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Aawatin ba ang puso ko?

Aawatin ba ang puso ko?

Aawatin ba ang puso ko?

Kung Di Rin Lang Ikaw by monina/ oliver от December Avenue/Moira - Тексты & Каверы