Sandali, 'wag kang mapupuno sa paghihirap
Darating din ang pag asa mong pinapangarap
Di ba sapat na ika'y mayro'ng pag ibig
Nasa puso mong hindi maipapalit
Ka'y ngumiti
Ihip ng hangin sa kamay mong malamig
Daing na tinig, nasa aking pandinig
Liliparin ang isipan mo't damdamin
Makarating pa kaya sa kanyang piling
Ka'y pumikit
Kung panalangin ko'y 'di marinig
Abutin man ng bawat sandali
Kailangan kong isigaw, ako'y iyong iyo
Ang dalangin ng puso'y ikaw
Sandali, 'wag mong pigilan ang iyong pagluha
Damdamin mo'y aahon sa tumigil na tadhana
Aabutin ng 'yong palad ang hangarin
Makarating pa kaya sa kanyang piling
Ika'y pumikit
Kung panalangin ko'y 'di marinig
Abutin man ng bawat sandali
Kailangan kong isigaw, ako'y iyong iyo
Ang dalangin ng puso'y ikaw
At kung sa bawat higpit
Ng aking pagdaramdam
Ay hindi ka malapitan
Nakikiusap na lang
Kung panalangin ko'y 'di marinig
Abutin man ng bawat sandali
Kailangan kong isigaw, ako'y iyong iyo
Ang dalangin ng puso'y ikaw
Ang dalangin ng puso'y ikaw
Ang panalangin sana'y marinig