menu-iconlogo
logo

Bakit ba ganyan

logo
Тексты
Bakit ba ganyan

Ang buhay ng tao

Mayro'ng mayaman

May api sa mundo

Kapalaran kung hanapin

'Di matagpuan

At kung minsa'y lumalapit

Nang 'di mo alam

O bakit kaya

May ligaya't lumbay

Sa pag ibig

May bigo't tagumpay

'Di malaman 'di maisip

Kung anong kapalaran

Sa akin ay naghihintay.

Huwag damdamin ang kasawian

May bukas pa sa iyong buhay

Sisikat din ang iyong araw

Ang landas mo ay mag iilaw

Sa daigdig ang buhay ay ganyan

Mayroong ligaya at lumbay

Maghintay at may nakalaang bukas

May bukas pa sa iyong buhay

Tutulungan ka ng Diyos na may lalang

Ang iyong pagdaramdam

Idalangin mo sa Maykapal

Na sa puso mo ay mawala nang lubusan.

Nang madama ang ligaya sa gabi't araw

Nalimot mong ang lahat

ay mayro'ng hangganan

Ngunit ngayon

Naramdaman ang kalungkutan

Ay noon mo naalala ang Maykapal

Ang tao'y marupok, kay daling lumimot

Sa Diyos na ang lahat Siya ang nagdulot

Sa Diyos na ang lahat

Siya ang nagdulot...