Bakit ba ganyan,
Ang ibig ko'y lagi kang
pagmasdan?
Umula't umaraw
ay hindi pagsasawaan
Ang iyong katangian
Damdamin ko'y ibang-iba
kapag kapiling ka, sinta.
Ewan ko, bakit ba ganyan;
Damdamin ay di maintindihan?
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang kita'y makilala.
Bakit ba ganyan,
Kung minsan ay
nauutal sa kaba
Kapag ika'y kausap na?
Ngunit lumalakas ang loob
kung ikaw ay nakatawa.
Ewan ko, bakit ba ganyan;
Damdamin ay di maintindihan?
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang kita'y makilala (oh)
Ewan ko, bakit ba ganyan;
Damdamin ay di maintindihan?
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang kita'y makilala.