Ang libro ng aking buhay, unting nawawalan ng kulay
No'ng binakante mo ang bahay na 'to, mm
Sa dating kuwarto nakatambay, 'di pa rin ako nasanay
May lugar pa rin sa kama para sa 'yo, yeah, whoa
Oh, yeah, yeah
Kahit lumukso pa'ng buong mundo
'Cause, baby, mananatiling nandito, nananabik
Sa 'yong pagbalik
Oh baby, hangad ko sa araw-araw ang magkatabi
Kailan ka uuwi?
Pabalik-balik sa atin, pabalik-balik sa dati
Oh, pabalik-balik sa atin, kailan babalik sa akin?
Pabalik-balik sa atin, pabalik-balik sa dati
Oh, pabalik-balik sa atin, babalik pa ba sa akin?
(Oh, nag-aabang sa pagsibol sa 'tin ng panahon)
Mga gawi'y sana'y 'di guniguni, nawa'y gumuhit muli
Pananatilihin bang lihim ang alam nating may kahulugan?
'Di ba sapat ang simpatya kung simula't sapul ay halata?
'Di ka matitiis, puwede ba na imbes na sikulo
Oh, tayo na lang, please?
Ang dating tagu-taguan, gawin nating katotohanan
'Cause, baby, mananatiling nandito, nananabik
Sa 'yong pagbalik (sa pagbalik)
Oh baby, hangad ko sa araw-araw ang magkatabi
Kailan ka uuwi?
Pabalik-balik sa atin, pabalik-balik sa dati
Oh, pabalik-balik sa atin, kailan babalik sa akin?
Pabalik-balik sa atin, pabalik-balik sa dati
Oh, pabalik-balik sa atin (babalik, kailan ka babalik?)
Babalik pa ba sa akin?