Ang lalakas mag- hangin
Tila gusto na lahat mapatumba
Ang aangas ng dating pero
Ang hihina naman tumugma
Mga estilo hindi ko alam kung saan pinagkukuha
Ngayon na akin na itong pinangatawanan
Para lamang sa inyo lahat ay maipamukha na
Sa gan'tong bagsakan halata malayo
Hindi pwedeng ikumpara malaki ang kaibahan
At kahit pa magsukatan ay malalaman
Mong hindi na biro bawat
Mga oras ko dito na nilaan
Mga linya pinulido ginawa sa pilahan
Hindi na 'ko para makipagbidahan
Sa aking pagbangon maayos na rin ang buhay
Makikita mo 'yaan lahat sa pinaghigaan
Dahil aking tinutukan pinuhunan
Pinusuan at ambisyon
Sa prediksyon bata pa lang
Alam ko nang magaganap lahat The Simpsons
Matagal na panahong nakatikom
Ngayon ay ilalabas lahat ng mga ipon
Nasa tamang direksyon pa rin aking paningin
Kahit dumilim parang naka- night vision
May kasabihang
Buhay ay hiram p'wes wala pa akong ibalak na isoli
You only get one shot hell nah
I got full clip bakal ko ay loaded
Mas pinapadama mga pinapadala
Na mga sulat parang bara na sinobre
Ito ay isang pelikula na aking pinagbibidahan
Sa huli walang parak na responde
Mula sa ilalim
Nagawa namin 'to nang pang- ibabawan
Ginawa nang ginawa ng paraan
At tanging kahirapan lamang ang kadahilanan
Don P Flow G pasay alabang
Dala ang pinagdaanan
Tinaya man na 'to ng musika
At ang musika ay pinagyayaman
Dami pang kayang patunayan
Pero pinili na lamang na hindi pangalandakan
Ang lahat ng mga nalakaran na daanan
Walang iniwanan na bakas sa aking bawat naapakan
Sadyang 'di naman lahat ay kailangan ng katibayan
Lalo kung ibang katauhan na gumanap sa nasalangan
Para lamang sa inyong kaalaman
Ay hindi lang ang katunggali
Sa pagra- rap ang aking mga nakalaban
Anumang sinasabi ay naka- base sa karanasan
Kaya nagawa ko nang lagpasan
Ang iba't ibang klaseng kapahamakan
Kung saan- saan na sumugal pati pato
Sa kasi- kasing labanan
Hangga't hindi nakukuha ang tagumpay
Ulit- ulit rumebanse hanggang makamtan
Palagi 'to nakatodo taas na ng kondo
Takbo walang tira pigil pagkagat sa break
Naka- calibrate kaya rekta ibang lebel
Nakakamada na nang ayos
Sa bawat agos de bala cartel
Itong mga demonyo mag- rap
Ang mga berso'y nag- dilang anghel
Nabuga ko na lahat ng gusto kong sabihin
Bago pa ako tuluyang mapaos
Sumagad na sa lahat na gustong danasin
Bago pa tanggapin sa sarili
Ang pagiging maka- diyos
Mga daga sa dibdib nawala
Magmula nung palagi ng naka- lacoste
Huli man nagawa pa rin ng magandang panimula
'Tong batang nangangarap makapagtapos
Para sa mga pakarang 'pag nag- rap ay barok
Sana 'pag maglalapag
'Wag palpak 'pag naglagay ng sahog
Pagka- putak ka lang din naman nang putak
Mag- rap na parang manok
Asa ka pa mas papalakpak pa 'ko
Pagka papatay ng lamok
Mahirap na patilain 'pag ako nagpa- ulan na
Hindi 'to tipo na puro lang amba
Alam mo na 'pag ako sumampa lalo na sa kanta
Malaman na nga may palaman pa
'Di lang basta maganda
Lagi kong binubusog ang madla
'Di ako gumagawa ng lampa
Tyaka na malamya gusto ko walang 'ya
Alam mo alam niya 'di ako pumalya
'Di na para magtaas pa ng hinlalato
Kasi nga 'yung salita na ang nilalaro
Para lang ipamukha sa kanila
Kung ga'no ba sila kababano
Kailangan ko magbubat ng bangko
Pakitaan sila para mauga
Ugain sila para matanto
Ipakita sa mga pagmumukha
Nila kung paano ang tunay na hambog
Nakabakat ako sa mapa
Kahit hilingin mo na mapasama pa
Alam mo naman sanay ako sa papag
Tyaka lahat ang dapat ay nagawa na
Kaya nandito na 'ko sa malambot na kama
Isa 'yan sa mga bagay na wala ka
Iniisip mo na ganito ka sana
Kaso nga lang 'di ka pa pinagpalala
Tyaka o pinapalad baka mapasama pa
Habang ako alam mo na iba
Talaga 'pag kumarakas
Kita mo na laging tumatama
Parang 'di na minamalas
Parami na lang nang parami
Kasi wala nang nababawas
Iba talaga pagka pumatas
Isa ka sa pinaka- maangas
Pinaka- magiting pinaka- may tira
Pinaka- matiro
Pinaka- mabisa pinakaba dito
Pinaka- bihirang
Pinaka- masipag pinaka- masiba pinaka- bagitong
Pinaka- maingat pinaka- pabibong pinaka- kumita
O baka naman huli na kayo sa balita
Kabaliktaran ako nang pinaka- mahina
Wala akong pake kung merong mayabangan d'yan
Sa totoo lang wala pa 'yan sa kalingkingan
Kung usapang yabang lang
Hindi na 'to para pag- isipan
Ng mga sasabihin sa dami ng pwedeng pagpilian
Sa'kin napakadali na mag- hangin
'Pag naisipan ko gawin
Kaya gawin na madalian
Alam ko na kaya din naman gawin ng karamihan
O kaya ng karaniwan pero
'Pag ako 'yung gumawa hindi pang- karaniwan
Batang alabang 'to kaya 'to palaban
Sa kokote mo pakitatak mo
Marami- rami na ring karanasan
Ang naranasan kaya naging matatag 'to
Iba- iba tayo ng sapatos
Ako nakagapos muna bago nakaraos
'Yung iba kasi maayos muna bago pa masira
Tapos ako 'yung nasira muna bago ko inayos