menu-iconlogo
logo

Ang Kailangang Gawin

logo
Тексты
Ang kailangang purihin purihin

Tanghalin ang dapat tanghalin

Palagay ko ay tama sila

Kailangan ng pagkakaisa

Ngunit ang kailangang tugon

Ayon sa hamon ng panahon

Ang kailangang baguhin baguhin

Tanggalin ang dapat tanggalin

Itakwil ang gawing tiwali

Huwag pabubulag sa salapi

Pagmamalabis ay bantayan

At pagsasamantala'y hadlangan

Ang pang- aabuso't pang- iisa

At ang dayaan naorganisa

At nagiging uso nang dahil sa

Kapabayaan namobilisa

Sa tuwing ang katotohana'y di alam

Sa tuwing tayo ay di nakikialam

Kung kaya't nagagawang gawin nilang

Pamahalaan sukat huthutan

At umaalagwang ganun na lang

Ang kasamaan sa sanlibutan

Ang kailangang baguhin baguhin baguhin

Kailangang gawin ang kailangang gawin

Ang kailangang linisin linisin

Alisin ang dapat alisin

Huwag hayaang hayaan na lang

Palitan ang dapat palitan

Ituwid ang gawing baluktot

Managot ang dapat managot

Bayan ko bayan ko

Ibig mo bang talagang magbago

Bayan ko bayan ko

O ibig mong lagi nang ganito

Ang pang- aabuso't pang- iisa

At ang dayaan naorganisa

At nagiging uso nang dahil sa

Kapabayaan namobilisa

Sa tuwing ang katotohana'y di alam

Sa tuwing tayo ay di nakikialam

Kung kaya't nagagawang gawin nilang

Pamahalaan sukat huthutan

At umaalagwang ganun na lang

Ang kasamaan sa sanlibutan

Ang kailangang baguhin baguhin baguhin

Kailangang litisin litisin litisin

Kailangang gawin ang kailangang gawin

Ang Kailangang Gawin от Dong Abay - Тексты & Каверы