menu-iconlogo
logo

Perpekto

logo
avatar
Dong Abaylogo
ƖԼⓂƬƧ🅾ⓂƧƜЄЄƬ♏🅰ԼƊℹṫ🅰logo
Пой в Приложении
Тексты
Ikaw ay nagdaramdam

Puso ay nagdurugo

Hindi mo yata alam

Kung san ka patungo

Ikaw ay naliligaw

Isip ay nalilito

Ayaw mo ng gumalaw

Hindi ka sigurado

Ikaw ay napupuwing

Minsan nabubulagan

Mata ay nakapiring

Daan ay kadiliman

Ikaw ay nadadapa

Napipilayan din

Di makapagsalita

Anong ibig sabihin

Wala wala namang

Wala namang perpektong tao

Ano ba ang epekto

Kung meron kang depekto

Ano ba ang epekto

Kung meron kang depekto

Ano ba ang epekto

Kung meron kang depekto

Ano ba ang epekto

Kung meron kang depekto

Ikaw ay nawawala

Minsan ay nawawalan

Di ka naniniwala

Puno ng alinlangan

Ikaw ay nanliliit

Ligtas ka ba sa rehas

Bakit ka nakapiit

Bakit ka tumatakas

Ikaw ay natatakot

Parang walang hangganan

Ang kirot ng bangungot

Di mo makalimutan

Ikaw ay nanlulumo

Bilang na ba ang araw

Gusto mo ng sumuko

Mundo kang nagugunaw

Wala wala namang

Wala namang perpektong tao

Ano ba ang epekto

Kung meron kang depekto

Ano ba ang epekto

Kung meron kang depekto

Ano ba ang epekto

Kung meron kang depekto

Ano ba ang epekto

Kung meron kang depekto

Ikaw ay inaalon

Walang kalaban-laban

Tuluyang nalulunod

Tungo sa kalaliman

Ikaw ay nalulula

Agad kang nahuhulog

Babagsak sa lupa

At biglang madudurog

Ikaw ay nagdurusa

Kaya pa bang tumagal

Hindi na makahinga

Lalo pang nasasakal

Ikaw ay dumadaing

Dala mo ba ay sumpa

Para kang ililibing

At ipinagluluksa

Wala wala namang

Wala namang perpektong tao

Ano ba ang epekto

Kung meron kang depekto

Ano ba ang epekto

Kung meron kang depekto

Ano ba ang epekto

Kung meron kang depekto

Ano ba ang epekto

Kung meron kang depekto

Wala

Wala namang

Wala namang perpekto

Ano ba ang epekto

Kung meron kang depekto

Wala namang perpektong tao

Perpekto от Dong Abay - Тексты & Каверы