menu-iconlogo
logo

LAKAMBINI

logo
Тексты
Lakambini

Ebe Dancel

( Uploaded by Hamkoyz )

Kung ito na ang huli kong liham,

Ayoko syang masayang

Sa isang paalam,

Sa isang paalam

Dahil ako ay mabubuhay

Sa 'yong mga alaala

At sa puso mo,

Diwa ko'y titira

'Di mo na ako kailangang hanapin pa

Pikit ka lang sinta, ako ay nar'yan na

Sa buhay mang ito

O sa kabilang mundo,

Hangga't may pag-asang dumadaloy

Sa akin at sa'yo

Hangga't pag-ibig ay panig sa atin,

Kumagat man ang dilim,

'Wag mangamba

Dahil liwanag tayo ng isa't isa

O lakambini ko,

Buhay ng buhay ko,

S'an ka man patungo,

Dalhin mo ako

O 'wag ka nang matakot

Mundo'y hayaan mong umikot

Darating din ang

Panahon ng hinahon

At 'di mo na ako kailangang hanapin pa

Pikit ka lang sinta, ako ay nar'yan na

Sa buhay mang ito

O sa kabilang mundo,

Hangga't may pag-asang dumadaloy

Sa akin at sa'yo

Hangga't pag-ibig ay panig sa atin,

Kumagat man ang dilim,

'Wag mangamba

Dahil liwanag tayo ng isa't isa

Sa buhay mang ito

O sa kabilang mundo,

Hangga't may pag-asang dumadaloy

Sa akin at sa'yo

Hangga't pag-ibig ay panig sa atin,

Kumagat man ang dilim,

'Wag mangamba

Dahil liwanag tayo ng isa't isa

Liwanag

LAKAMBINI от Ebe Dancel - Тексты & Каверы