Ayaw pang matulog ng gabi
Sa kama kong walang silbi
Ang umaga'y para bang kay layo layo pa
Bumabagal ang ikot ng mundo
Habang bumibilis naman ang takbo
Ng utak kong gumugulong gulong
Pinagpapasahan ng tuwa
At nakakatakot na lungkot
Ng galit at pag ibig ang
Kawawa kong pusong
Maligalig Maligalig
Utak ko'y parang sampung tv
Iba't ibang istasyon na tabi tabi
Ako ay drama at comedy
Ako ay araw at gabi
Kumakanta't umiindak
May maalala lang biglang iiyak
Parang napapagod na ko sa mundo
Pinagpapasahan ng tuwa
At nakakatakot na lungkot
Ng galit at pag ibig ang
Kawawa kong pusong
Maligalig Maligalig
Pinagpapasahan ng tuwa
At nakakatakot na lungkot
Ng galit at pag ibig ang
Kawawa kong pusong
Pinagpapasahan ng tuwa
At nakakatakot na lungkot
Ng galit at pag ibig ang
Kawawa kong pusong
Maligalig Maligalig
Maligalig Maligalig
Dahil ang tanging nais lamang
Ay mapakali
Dahil ang tanging nais lamang
Ay mapakali
Dahil ang tanging nais lamang
Ay
Dahil ang tanging nais lamang
Ay