Mundo ko'y umilaw
Ulap ko'y umaraw
Ako't ikaw
Sa puso'y lumitaw
Ako'y umasa
Ika'y makakasama
Sa puso mo
Di ako nag iisa
Di ka ba nagtataka
Saking pag aalala
Sa isang taong
Kailan lang nakilala
Tayo ba'y mayroong pag asa
Sa puso mo'y may kahati pala
Puso ko'y ipupusta
Buhay ko'y itataya
Makita lang kitang lumigaya
Akoy may kaagaw
Puso koy natunaw
Pero bakit di ako umaayaw
Ako ay luluha
Kung magpaparaya
Sa puso mo may gustong kumuha
Di ka ba nagtataka
Saking pag aalala
Sa isang taong
Kailan lang nakilala
Tayo ba'y mayroong pag asa
Sa puso mo'y may kahati pala
Puso ko'y ipupusta
Buhay ko'y itataya
Makita lang kitang lumigaya