menu-iconlogo
logo

Pagbigyang Muli

logo
Тексты
Muli ay 'yong pagbigyan

ako'y nagkamali

Muli ay 'yong patawarin

ako'y nagsisisi

Alam kong ako'y nangakong

di na mauulit pa

ako'y nagkamali sa'yo

muli ay patawarin mo

Ako ba'y 'yong yayakapin?

nakaraa'y kayang limutin?

Magtiwalang muli

mahalin mong muli

magbalik ka sa'kin

'Di ko kakayanin kung ika'y

mawawala sa aking piling

'Di ko kakayanin pag nalaman

kong wala nang pag ibig sa akin

'Di kayang mag isa, gustong kasama kita

Sa'yo lang ang pag ibig ko

Magtiwalang muli, ito na

ang huling pagkakamali

Pag ibig ko'y muling tanggapin

Muli ay 'yong pagbigyan

pag ibig natin

sabihin mo sa akin

ang 'yong gusto'y susundin

Magtiwalang 'di sinasadyang

maging di' tapat sa'yo

Doo'y nakalimot nga ako,

nangyari'y 'di ko ginusto...

Ako pa ba'y kayang yakapin?

Ang init ng halik sa

akin, kaya bang ibalik?

Dama ang bawat saglit ng

sakit ngayong wala ka na...

'Di ko kakayanin kung ika'y

mawawala sa aking piling

'Di ko kakayanin pag nalaman

kong wala nang pag ibig sa akin

'Di kayang mag isa, gustong kasama kita

Sa'yo lang ang pag ibig ko

Magtiwalang muli, ito na

ang huling pagkakamali

Pag ibig ko'y muling tanggapin

Muling mahalin

'Di kakayaning ika'y

mawala sa aking piling

Muling mahalin

Ika'y magbalik, magtiwalang muli

Muling ibalik ang pag ibig

na dati'y sa atin...

Pagkat...

'Di ko kakayanin kung ika'y

mawawala sa aking piling

'Di ko kakayanin pag nalaman

kong wala nang pag ibig sa akin

'Di kayang mag isa, gustong kasama kita

Sa'yo lang ang pag ibig ko

Magtiwalang muli, ito na

ang huling pagkakamali

Pag ibig ko'y muling tanggapin

Muling tanggapin...

Muling tanggapin...

Pagbigyang Muli от Erik Santos - Тексты & Каверы