menu-iconlogo
logo

Kasama

logo
Тексты
Puwedeng huwag ka nang umasta

Na ikaw lang ang nasasaktan at nahihirapan?

'Di lang ikaw ang may nararamdaman

Umasa ka na tayo ay magtatagal

Konting tiis lamang, at laging tandaan

'Pag nagmamahal-

Kung puwede lamang laging masaya

Na magkasama tayong dalawa

Kung may lugar na hindi uso mag-drama

Eh 'di, sana una pa, do'n na kita dinala

Kaso nga wala no'n

Araw-araw, may dumadating na hamon

'Di pa natin natatapos 'yong kahapon

Eto na naman 'yong panibagong problema na nagkakapatong-patong

Tapos dadagdag ka pa

Magrereklamo sa 'kin na hirap ka na

Umabot pa sa puntong aayaw ka na

Hirap na rin ako, 'di lang ikaw ang nakakadama

Pero umaasang may pag-asa pa

Madalas pikang-pika, utak ko'y pigang-piga

Kakaisip kung kalaban ka ba o kakampi pa

Lagi kang nag-iinarte na akala mo ay aping-api ka

Puwedeng huwag ka nang umasta

Na ikaw lang ang nasasaktan at nahihirapan?

'Di lang ikaw ang may nararamdaman

Umasa ka, tayo ay magtatagal

Konting tiis lamang, at laging tandaan

'Pag nagmamahal-

'Di ko na alam kung bakit ba palagi tayong ganito

Ako ay nagtataka, at puso ko'y litong-lito

Para bang may kaaway ka sa utak mo

At ako na lang ang sumasalo

Pero kakayanin

Alang-alang sa pinagsamahan natin

Sapagkat alam ko na mahal mo din ako

Kahit na paminsan-minsan, parang gusto mo na lang akong sumuko

Puno ng drama

Kahit wala namang problema

Matino naman ako, pero kung awayin mo ako

Akala mo siguro na katulad ko 'yong ex mong gago

Magtiwala ka sa akin

Kaya natin 'yan ayusin

Okay naman tayo

Ngunit masyado kang praning

Puwedeng huwag ka nang umasta

Na ikaw lang ang nasasaktan at nahihirapan?

'Di lang ikaw ang may nararamdaman

Umasa ka na tayo ay magtatagal

Konting tiis lamang, at laging tandaan

'Pag nagmamahal-

Puwede huwag ka nang umasta

Na ikaw lang ang nasasaktan at nahihirapan?

'Di lang ikaw ang may nararamdaman

Umasa ka, tayo ay magtatagal

Konting tiis lamang, at laging tandaan

'Pag nagmamahal-

Puwedeng huwag ka nang umasta

Na ikaw lang ang nasasaktan at nahihirapan?

'Di lang ikaw ang may nararamdaman

Umasa ka na tayo ay magtatagal

Konting tiis lamang, at laging tandaan

'Pag nagmamahal ay kasama 'yan

Konting tiis lamang, at laging tandaan

'Pag nagmamahal ay kasama 'yan

Konting tiis lamang, at laging tandaan

'Pag nagmamahal, kasama 'yan

Kasama от Flow G/Chito Miranda - Тексты & Каверы