menu-iconlogo
logo

Ibong Adarna

logo
Тексты
'Yung dating tayo ay wala na, pa'no ba 'to?

Bakit biglang gumulo?

'Yung dati nating binuo

Wala na, gumuho na

Mahal, kamusta? Masarap ba gising mo?

Buti nakatulog ka

Ako, 'eto, simula nu'ng nangyari

Lahat 'to ay binabangungot na

Ligaw na ligaw, 'di alam kung sa'n pupunta

Halos malunod na

Dahil sa pagkalugmok na may halong lungkot

Kaya laging nagluluksa

Nabugbog pa

Kahit na utak ko lang ang kalaban, ako ay nadurog

Kahit na sa tinik, ako'y natusok

Ay naging tahimik, hindi na rin para humugot

May luhang tutulo

Tuwing nakamukmok ako sa ilalim ng kumot

Ako ay nahulog

Biktima sa sitwasyon na may aral pa ring mapupulot

Pero 'wag mag-alala

Kahit papa'no, nakakahinga

Hindi nakatulong 'yung kasabihang

"'Pag napagod, kailangan lang magpahinga"

Ilang gabi na

Na nakadilat pa rin ako kahit gabing-gabi na

Pero hindi pa rin nagmakaawa

Kahit na kawawa't aping-api na

Ikaw, kamusta ka d'yan?

Sana hindi mo 'to mapakinggan

Kasi ayoko sabihin mo sa sinabi ko

Ikaw ang pinaparinggan

Sumakay ako sa alon mo

Kasi akala ko pareho tayo na gustong magkapitan

Eh, 'di sana 'di na nagkainteres sa interes

Ito ang bunga ng kapital

'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat

'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak

Ang bilis ng pangyayari't naganap

Kaya maging ako'y gulat na gulat

Mga alaala na nakakatakot maalala

Naranasan nating dalawa nang magkasama

Wala na

Napalitan na ng lungkot ang ligaya

'Yun ang 'di ko kaya

Buti ka pa

Parang hindi mo iniinda

Habang ako ay hirap na matulog

At sana'y hindi na gumising pa

Gusto ko ng medisina

Para hindi na makadama ng sakit sa tuwina

Pampamanhid, bibilhin ko agad

Kung mayro'n mang nagtitinda

'Di ko na pinilit alamin ang totoo

Kasi iniisip ko baka mas lalong gumulo

'Yung sabay natin na binuo

Nawala rin kaagad kasi puno ng alaala, madugo

'Pagka mag-isa, nakaupo, madalas nakayuko

Kasabay ng luhang ayaw matuyo

'Pag may kaharap na ibang tao

Naku po, magpapanggap na buo

Kailangan masaya ako palagi

Kahit na hindi na katulad ng dati

Para 'di nila isipin na nahihirapan ako

Sa lahat ng nangyayari

Sinasarili ang bawat kirot

Na pinapasan sa likod

Habang nagtataka lagi

Kung bakit bulok ang binunga, imbis na hinog

Mahirap magpanggap na ayos lang

Kaso kailangan

Sa ganitong kaganapan

Ay dapat agapang makita ang 'yong kahinaan

Para hindi kaawaan o pagtawanan

Mahirap palang maranasang masaktan

Sa kamay ng napiling pakisamahan

'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat

'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak

Ang bilis ng pangyayari't naganap

Kaya maging ako'y gulat na gulat

Mga alaala na nakakatakot maalala

Naranasan nating dalawa nang magkasama

Wala na

Napalitan na ng lungkot ang ligaya

'Yun ang 'di ko kaya

Sana ako'y tulad ng iba

Kaya kang iwanan d'yan nang mag-isa

Luha mo ay hindi pupunasan

Tatawanan pagkatapos sugatan, hindi gano'n

Tinulungan kang makalipad

Para sa 'yo ay nakahanda akong gawin ang lahat

Wala na sa 'king natira, balewala pa

Pakinggan n'yo ang makabagong istorya ng Ibong Adarna

Bakit gano'n ang panahon?

Ako ay napakaraming tanong

Akala ko ay dinala kita sa palasyo

Pero sabi mo ay kinahon

Ang dating tayo na palaging masaya

At nagsasama nang matiwasay

Init ng apoy na namamatay panggatong

Ako na lamang ang naglalagay

(Ano ba sa iyong palagay?)

Inakay na kita makadaan sa landas na madilim

'Di naman ako 'yung tipo ng lalaking iiwanan ka na lamang

Kasi natapos na kitang pitasin

Napakahirap abutin, 'di mo ba napansin?

Dinidiligan ko ang 'yong hardin

Inaabangan na dumating

Bakit madalas ka na yatang inaabutan ng dilim?

Oh, bakit parang lumalalim ang sugat?

Ayaw kong tingnan kahit laging nakamulat

Alam ko na siya ang nilalaman ng sulat

Mabigat, pero hindi na magugulat

Hinihintay kitang makauwi

Lumuluha kahit nakangiti

Lungkot na palagi kong buhat, hindi ko masukat

Pilitin ko mang ikubli

Balita ko may sinasabi

Ang mga tsismosa na ale

'Di ko inakala 'to, grabe

Sa ulo ko ay may tae

'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat

'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak

Ang bilis ng pangyayari't naganap

Kaya maging ako'y gulat na gulat

Mga alaala na nakakatakot maalala

Naranasan nating dalawa nang magkasama

Wala na

Napalitan na ng lungkot ang ligaya

'Yun ang 'di ko kaya

'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat

'Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak

Ang bilis ng pangyayari't naganap

Kaya maging ako'y gulat na gulat

Mga alaala na nakakatakot maalala

Naranasan nating dalawa nang magkasama

Wala na

Napalitan na ng lungkot ang ligaya

'Yun ang 'di ko kaya

Ibong Adarna от Flow G/Gloc 9 - Тексты & Каверы