menu-iconlogo
logo

Lihim

logo
Тексты
'Di na ko nagtataka sa tuwing naglalaho ka

Alam ko na na'ndon ka sa iba pumupunta

Walang duda 'di na para magtanong pa

Matagal na ko nasanay na kada uuwi ng bahay

Amoy laway kaso ang malupit non

Pagtinanong kita ikaw pa gagawa ng away

Jusko kasawa na maawa ka tama na bahala ka

Tiniis ko mahaba na natatakot ako

Sa tuwing gagala ka maniwala ka

Pag sinabi ko na hindi ka na kapani-paniwala sa paliwanag

Na imbis na lumiwanag mas nagiging maliwanag na

Galing ka sa ibang kama at

Di na ko nag aabang ng mga palusot o baliko o kahit

anong salita Naniniwala na ko na bukod sa

maharot nakalimutan mo na paano mahiya

Di na rin kita inaabala pag wala sige lang

Kahit sumakabilang bakod

Bukod sa walang sahod na maging buntot

Ako lang din ang napapagod

Di lang ako nag rereklamo kahit na ginagago

Tanggap ko ng 'di ka na magbabago

Paano ka pa kaya nakakangiti

Sa kapal ng iyong pisngi

Matagal ko ng alam na sagad ka din sa landi

Sabihin mong hindi

Oooh

Di mo na ko kailangan pang pag-isipin

Alam ko namang hindi mo sasabihin

Kasi kapag tinitignan kita

Nakikita ko sa mga sinungaling mong mata

'No ka ba di mo kailangan pang ilihim

Alam ko namang hindi mo aaminin

Kasi kapag tinitignan kita

Nakikita ko sa mga sinungaling mong mata

Bakit pa kailangan paikot-ikutin mo ko

Eh alam ko naman lahat ng iyong ginagawa

Alam ko naman na di mo sasabihin

Bakit kailangan pa kitang pilitin

Ako'y wag mo ng isipin

Hindi kita sisilipin hahayaan lang kita

Tanda mo ba nung

Tayo'y magkayakap tapos lumayo ka anong ginawa mo

Sabi mo sa akin na an'labo na hindi na tayo

Masaya para sa isa't-isa

Nawala ka

Umalis ka sa'n ka ba na punta

Syempre doon 'lam ko na yon

Di lang kita maderetso

Sabihin ko pa sana makapal ang iyong mukha

Di ka sa'kin nakuntento

Na kapag imbento ng kwento

Kunwari may kunsyerto

Sinisikreto ko lang

Matagal ko na rin na alam ang iyong sikreto

Kaya baliw na lang ang maniniwala sa iyo

Kaya ako ay tumatawa t'wing tinititigan mo

Kaya nako di na ako para manita

Bahala kayo kasi kahit na di ka makita

Di ka hahanapin hanggang manawa kayo

Oooh

Di mo na ko kailangan pang pag-isipin

Alam ko namang hindi mo sasabihin

Kasi kapag tinitignan kita

Nakikita ko sa mga sinungaling mong mata

'No ka ba di mo kailangan pang ilihim

Alam ko namang hindi mo aaminin

Kasi kapag tinitignan kita

Nakikita ko sa mga sinungaling mong mata

Lihim от FLOW G/Skusta Clee/Honcho - Тексты & Каверы