Muling hinahanap
Ang dating paglingap na mula sa'yo
Muling umaasa
Sa dating nadaramang laan sa'yo
Mula ng magwakas tapusin ang lahat
Ay naritong nagmamahal pa rin
Pa'no kaya maibabalik
Ang damdamin mong dati
'Di ba't ikaw pa
Unang may nais na tapusin na
Habang panahon
Pinilit limutin ka hanggang ngayon
Mula ng magwakas tapusin ng lahat
Hindi maikakailang ikaw pa rin
Papa'no kaya maibabalik Ang hangaring dati
Ba't di nagkatagpo
Bakit tuloy nagkalayo
Bakit mayro'n pang nadarama
Gayong hindi na tayong dalawa
Bakit magwawakas
Pag ibig na wagas
Maari bang mangyari pang
Ibigin pang
Muli
Kung muling iibig
H'wag sanang lisanin nang tulad noon
Pagluha'y di na kaya
H'wag na sanang ulitin ang nangyari pang gayon
Hanggang sa nagwakas
Natapos ang lahat
Ay naritong nagmamahal pa rin
Paano mo pa ba maibabalik
Ang hangaring dati
Maari pa kayang muli
Ba't di nagkatagpo
Bakit tuloy nagkalayo
Bakit mayro'n pang nadarama
Gayong hindi na tayong dalawa
Bakit magwawakas
Pag ibig na wagas
Maari bang mangyari pang
Ibigin pang
Muli
Nandito lang ako
Bago lumayo sa pilling mo
Higit kang kailangan kailan man
Hanggang kailan kaya naman
Mahala kita tila hanap ka
Sana tunay kaya ito
Minsan pang bigyan ng daan
Pag ibig na sa'yo nakalaan
Ba't di nagkatagpo
Bakit tuloy nagkalayo
Bakit mayro'n pang nadarama
Gayong hindi na tayong dalawa
Bakit magwawakas
Pag ibig na wagas
Ma'ri bang mangyari pang
Ibigin pang
Muli