Muling hinahanap
Ang dating paglingap na mula sa'yo
Muling umaasa
Sa dating nadaramang laan sa'yo
Mula nang magwakas, tapusin ang lahat
Ay naritong nagmamahal pa rin
Pa'no kaya maibabalik
Ang damdamin mong dati
'Di ba't ikaw pa
Ang unang may nais na tapusin na
Habang panahon
Pinilit limutin ka hanggang ngayon
Mula nang magwakas, tapusin ng lahat
Hindi maikakailang ikaw pa rin
Papa'no kaya maibabalik
Ang hangaring dati
Ba't di nagkatagpo
Bakit tuloy nagkalayo
Bakit mayro'n pang nadarama
Gayong hindi na tayong dalawa
Bakit magwawakas
Pag ibig na wagas
Maa'ri bang mangyari pang
Ibigin pang...Muli
Kung muling iibigin
H'wag sanang lisanin nang tulad noon
Pagluha'y di na kaya
H'wag sanang ulitin ang
nangyari pang gayon
Hanggang sa nagwakas,
Natapos ang lahat
Ay naritong nagmamahal pa rin
Paano pa ba maibabalik
Ang hangaring dati
(Maa'ri pa kayang muli....)
Ba't di nagkatagpo
Bakit tuloy nagkalayo
Bakit mayro'n pang nadarama
Gayong hindi na tayong dalawa
Bakit magwawakas
Pag ibig na wagas
Maa'ri bang mangyari pang
Ibigin pang...
Muli
Nandito lang ako
(bago lumayo sa piling mo)
Higit kang kailangan kailan man
(hanggang kailan kaya naman)
Mahal kita
(tila)
Hanap ka
(sana...
tunay kaya ito)
Minsan pang bigyan ng daan
Pag ibig na sa'yo nakalaan
Ba't di nagkatagpo
Bakit tuloy nagkalayo
Bakit mayro'n pang nadarama
Gayong hindi na tayong dalawa
Bakit magwawakas
Pag ibig na wagas
Maa'ri bang mangyari pang
Ibigin pang...
Muli
Oohh..ohhh..ohhh
(fin)
bwillib Willi Baclao