Tubig at langis
Ang katayuan nati'y yan ang kawangis
Pilitin mang magsama'y may mahahapis
Ganyang ganyan tayong dalawa
Ang panuntunana'y magkaiba
Langis at tubig
'Di mapagsama ng tunay mang pag ibig
Hinanakit ang s'yang laging mananaig
Mahal na mahal man kita
May mahal ka namang iba
Tubig at langis
Idarang man sa init
'Di rin tatamis
Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis
Ang kirot ay di maalis
Kung labis
Bakit nanaig
Ang dusa sa ligaya sa'ting daigdig
May dasal ba akong hindi n'ya narinig
Papel natin sa pag ibig
Ako'y langis
Ika'y tubig
Tubig at langis
Idarang man sa init
'Di rin tatamis
Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis
Ang kirot ay di maalis
Kung labis
Bakit nanaig
Ang dusa sa ligaya sa'ting daigdig
May dasal ba akong hindi n'ya narinig
Papel natin sa pag ibig
Ako'y langis
Ika'y tubig
Ako'y langis
Ika'y tubig
Ako'y langis
Ika'y tubig