menu-iconlogo
logo

No Match, Pt. 2

logo
Тексты
Nakarolyo ang papel, walang metal

Hinlalaki kinalyo sa kabibilang

Pakay di ma diskarel, di naiilang

Kumpleto ang kaylangan at walang kulang

Nakarolyo ang papel, walang metal

Hinlalaki kinalyo sa kabibilang

Pakay di ma diskarel, di naiilang

Kumpleto ang kaylangan at walang kulang

(Uhhmm hmm)

Sanay sa salangan at kaliwaan

Nakailang sagwan narin pa kaliwat kanan

Parang guhit na nga ng palad turing sa lansangan

Kahit naka piring, kabisa ang nilakaran

Kaya, amoy ko yan kahit malayo pa

Walang, matang tulog, dapat mapag matyag

Kaba, na nga ang minsan na sumasalba

Diba? pag onse lakad, matik ay tabla

Di ko narin mabilang

Sa dami ng pinakisamahan ko ay pili lang

Kaya wag ka iilag, baka mapag halataan

Pili lang umubra nung dito samin dumaan

Maliit aking bilog, kaya mahirap tagusan

Bilang lang saking daliri nanatilit umunawa

Walang pinilit lahat ibig na sumama

Sumabay sa pihit ng daanang di inaakala

Na may huling habilin pamilya'y sumagana

Malamang nagugulat ka

Patulak tulak lang noon ngayon may binubuhat

Na partida ay pinapatungan pa

Ano pang ikakatakot ko ako ay nahatulan na

Walang pake sanay tong gumawa ng masama

Ngunit mas ninais kumilatis ng mga hindi ko magawa

Kaya ngayon lahat ay merong napala salamat ng

Marami saking pagkakadapa

Nakarolyo ang papel, walang metal

Hinlalaki kinalyo sa kabibilang

Pakay di ma diskarel, di naiilang

Kumpleto ang kaylangan at walang kulang

Nakarolyo ang papel, walang metal

Hinlalaki kinalyo sa kabibilang

Pakay di ma diskarel, di naiilang

Kumpleto ang kaylangan at walang kulang

(Uhmm hmm)

Umusbong na ang bunga sa tagal ng pag kababad

Sa init ng nilakaran di humintot, nilabanan

Malabo nang pumalya, alam ang dadaanan

Hawak hawak ang listahan malinaw lahat maguguhitan

Pinapaikot pera pinapadame tinda

Ginagawa ang plano dinadagdagan bago

Bawasan ang papel, laging pinupulido

Para triple pasok, utak pinagana

Di lang kumakayod

Nasayang koy lagpas dekada panahon ng payat na buddha

Makintab ang balat sa pawis sa kasagsagan ng pasada

Hinangad lumikom ng yaman para sa nais na pamanahan

Utak sindikato'ng sa legal lang lumalaban

Ngayon palang kilala na ang sasamahan

Dagdag kaalaman sayong kulang na nalalaman

Problema na nila kung minsan ay tunog mayabang

Pag diko ka lebel diko pina paliwanagan

Nakarolyo ang papel, walang metal

Hinlalaki kinalyo sa kabibilang

Pakay di ma diskarel, di naiilang

Kumpleto ang kaylangan at walang kulang

Nakarolyo ang papel, walang metal

Hinlalaki kinalyo sa kabibilang

Pakay di ma diskarel, di naiilang

Kumpleto ang kaylangan at walang kulang

(Uhhmm hmm)

(Hum)

Nakarolyo ang papel, walang metal

Hinlalaki kinalyo sa kabibilang

Pakay di ma diskarel, di naiilang

Kumpleto ang kaylangan at walang kulang

(Uhmm hmm)