menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Mirai E (Tagalog Ver.)

Hambog Ng Sagpro Krewhuatong
nfinellihuatong
Тексты
Записи
Sana'y pakinggan mo ang awit

Na sayo'y inilaan

Kaya ko nagawang isulat para

Lang maramdaman mo

Ang nadarama ng sang katulad

Kong nagmamahal

Kahit panulat at papel ngayon

Ay lalong nag mahal

Hindi na bale basta marinig

Mo ang mensahe ko

At makadalaw kahit tanging

Dala'y pamasahe ko

Dahil ang syang makita ka

Yan lang ang kasiyahan ko

Kahit sabihin man nilang

Pag ti tripan mo lang ako

Wag naman sana kase ayoko

ng ganyang laro

Ako'y seryoso at hinding hindi

Ako nag bibiro

Kase hindi ko mapigilan ang nadarama ko

Papayag na ko kung sakaling

Ikaw na ang karma ko

Sakin ay ayos lang at least

di ko pagsisisihan

Kahit kadalasang alibi

mo ay busy busyhan

Dahil naiintindihan

kita't ayokong mangulit

kasi pangako ko sayo

Ako'y mag papakabait

Hora ashimoto o mitegoran

Kore ga anata no ayumu michi

Hora mae o mitegoran

Are ga anata no mirai

Hora ashimoto o mitegoran

Kore ga anata no ayumu michi

Hora mae o mitegoran

Are ga anata no mirai

Kapag kasama kita, ay

di ko maintindihan,

parang ang lahat ng epal

gusto kong masindihan

at gusto kong maramdaman mo

kung anong nilalaman

ng aking puso at paniwalaan

mong ikaw lang

Ang syang mahal kahit sabihin

pa na O.A. daw ako

basta't malaman mo't

alam ko rin na okay lang sayo

kase hindi ako maporma

hindi ako maboka

di malakas mambola

di kasing gwapo ni koba

At hindi ako ma kwento

pag kausap mo sa phone

pero ang ligaya ko

nung tayo ay maging mag on

dahil ang katulad mo'y

hinintay ko ng kay tagal

at ikaw ang syang tugon

saking mga pag darasal

Pag pasensyahan mo na kung

medyo korni ang tula ko

pero alam mo bang sa puso ko

pa nag mula to

hindi to kathang isip

dahil kusang lumabas to

daig ko pang nanalo

at ikaw ang aking premyo

Hora ashimoto o mitegoran

Kore ga anata no ayumu michi

Hora mae o mitegoran

Are ga anata no mirai

Hora ashimoto o mitegoran

Kore ga anata no ayumu michi

Hora mae o mitegoran

Are ga anata no mirai

sa dinami dami ng babaeng

nag daan na sakin

ay ikaw lang ang babaeng

ang lahat walang masabing

negatibo kasi para sakin

perfect match ka na

di kita pag papalit

kahit pa sa mga kana

Dahil ang pagmamahal ko ay

di kayang dangkalin

mas malawak pa sa dagat

di mo kayang bangkain

di na kayang tanggalin

at tangkain man ang masira

mas matibay pa sa bakal

kung tiwala ay mabisa

Sana ang pagmamahal ko ay

wag sanang pagdudahan

at ipaparamdam ko ito sayo

ng dahan dahan

gagawin ko ang lahat lahat

ng yong mga naisin

lagi kang patatawanin at hindi

ka gagalitin

kase pag naka ngiti ka

kay gaan ng mundo ko

pag kayakap ka'y nalilimutan

ang problema ko

kase alam mo bang pangalan mo

ang laging nasa isip

sana'y makasama ka

hanggang sa aking panaginip

Oh ang pag ibig kong ito sa iyo

Laging tapat at ito'y hindi mag babago

Kung sakaling tayo'y mag kakalayo

Tandaan palagi ka sa puso ko

Hora ashimoto o mitegoran

Kore ga anata no ayumu michi

Hora mae o mitegoran

Are ga anata no mirai

Mirai e Mukatte

yukkuri to

Aruite yukou.

Еще от Hambog Ng Sagpro Krew

Смотреть всеlogo

Тебе Может Понравиться