Taglay mo sa bagwis
Ng iyong paghayo
Ang pangako ng walang hanggang
Bukas
Pabaon man sayo'y
Hapdi ng puso
Aabutin ang pangarap
At ang bunga ng wagas mong
Pagsisikap
Pag unlad nitong bayang nililiyag
Kapalit ng dalamhating paghihirap
Pag angat ng kabuhayang marilag
Liparin mo
Ang hangganan ng langit
Sa ulap ng
Pag asa ay iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong
Pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang
Tinatangi
Pabaon man sayo'y
Hapdi ng puso
Aabutin ang pangarap
Tutularan ka
Ng sunod na salin lahi
Kapuri puring
Pag aalay ng lakas
Pagpupugay sa makabagong bayani
Ang buong bansa'y
Nagpapa salamat...
Liparin mo
Ang hangganan ng langit
Sa ulap ng
Pag asa ay iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong
Pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang
Tinatangi
Ingatan mo ang lipad ng
Pangarap
Umaasa sa'yo
Ang bayan mong naghihintay
Na kamtin mo sa dulo ng lahat
Ng iyong pagpapagal
Ang tamis na dulot ng iyong
Tagumpay
Ang tamis na dulot ng iyong...
Tagumpay