Mapapansin mo kaya?
Ako'y magkukunwari ba
sa nararamdaman
Kahit walang pumapagitan?
Ikaw ang tanging
gustong pagmasdan
Oh, sana ako'y pagbigyan
Kay tagal nang hinihintay
Bawat saglit, sumasablay
Isayaw mo ako, sinta
Ibubulong ko ang musika
Indak ng puso'y magiging isa
Takbo ng mundo'y magpapahinga
Parang isang pelikula
Ilayo man tayo ng tadhana
Bumabalik sa bawat eksena
Ako at ikaw, walang nang iba
Magdadalawang-isip ba 'ko
O iisa-isahin ang
paghakbang pa-entablado?
Para lang na mapansin mo na
'Kaw lang ang
sadya kong maisayaw
At magkausap kahit 'di sanay
na humawak ng mga kamay
Sa 'yo lang ako sasabay, oh-oh, ooh
Kahit ngayong gabi lang
(ngayong gabi mangyayari ang minsan)
Oh, kahit na sandali lang
(sandali lang naman)
Isayaw mo ako, sinta
Ibubulong ko ang musika
Indak ng puso'y magiging isa
Takbo ng mundo'y magpapahinga
Parang isang pelikula
Ilayo man tayo ng tadhana
Bumabalik sa bawat eksena
(oh, bumabalik)
Ako at ikaw, wala nang iba
Oh, isayaw mo ako, sinta
Ibubulong ko ang musika
Ang puso'y... (puso'y magiging isa)
Takbo ng mundo'y magpapahinga
Na parang isang pelikula
Ilayo man tayo ng tadhana (oh-oh, oh-oh-oh)
Bumabalik sa bawat eksena
Ako at ikaw, walang iba
UPLOADED BY : NICKY/SONATA