menu-iconlogo
logo

Titig

logo
Тексты
Matagal na kitang sinusundan

Tinititigan at hindi maiwasan

Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan

At pinag iisipan ko kung anong paraan

Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan

Hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala

Sa 'king ginagawa na 'pagka tumaya ay 'wag mapahiya ohh

Ewan ko kung pa'no ko bibitbitin

Yung pagtingin ko kasi kung hanggang tingin lang ay bitin

Ayoko rin naman 'to kimkimin kaso mukhang

Hindi ko pa rin 'to sa 'yo kayang banggitin

At baka isnabin mo lang at 'di mo pansinin

Bitin kahit ano pa man ang aking inumin

'Yung tapang ay wala pa rin sa'n ko hihiramin

Kahit maglasing wala rin kung paggising ko duwag pa rin

Pa'no sasama kung hindi ako nag aaya

Pa'no tatama kung hindi ako tumataya

Minsan iniisip ko na 'wag na lang kaya

Kaso yung isip ko ay nagbabago din maya maya

At sobra sa pag asa kulang sa kumpiyansa

Kaya mukhang malabong magka tyansa

Gusto ko lang naman ay maging Popoy mo Basha

'Yun ang matagal ko nang pantasya

Matagal na kitang sinusundan

Tinititigan at hindi maiwasan

Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan

At pinag iisipan ko kung anong paraan

Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan

Hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala

Sa 'king ginagawa na 'pagka tumaya ay 'wag mapahiya

'Di lang ako kumikibo matagal nang tumitibok

Ang puso ko para sa 'yo kaso minsan kumikirot hmm

'Di ko kasi masabi 'di ako umaarte lang

'Di ko rin alam kung papaano aatake

Kasi baka naman ako ay tablahin

Kaya tinatak sa isip ko na 'wag nang tangkain

Panaginip lang lahat ng 'yon ako ay tampalin

Para gising na 'ko tamang panahon

Aantayin ko na lamang

Kasi wala namang masama sa magtiyaga

Kung para sa 'kin ka e 'di mag aabang ako hanggang sa merong mapala

Kaso wala namang mapapala lalo't 'pag wala akong ginawa

Tsaka baka mamuti lang ang mata 'pag nag antay ng himala

'Di naman malabo na mapansin mo 'ko kapag 'di ako nagtatago

Kailangan ko lamang na maging matapang kung gusto ko na magka tayo

Wala naman kasing ibang paraan kung sa takot ay magpapatalo

Kawawa lang ako puro lang tingin sa malayo kailangan ko yatang magbago Kasi

Matagal na kitang sinusundan

Tinititigan at hindi maiwasan

Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan

At pinag iisipan ko kung anong paraan

Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan

Hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala

Sa 'king ginagawa na 'pagka tumaya ay 'wag mapahiya

Oh oh oh

Matagal na kitang sinusundan

Tinititigan at hindi maiwasan

Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan

At pinag iisipan ko kung anong paraan

Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan

Hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala

Sa 'king ginagawa na 'pagka tumaya ay 'wag mapahiya