Bakit ba nagpapaakit
Sa bawat likha mong tinig?
'La namang kasiguraduhan
Mayro'n ba akong kalalagyan
Sa magulo mong damdamin?
'Di alam kung para sa 'kin ba
Ang iyong nararamdaman
Kailan mo balak na punan?
Ah, patlang
Lumalalim kada hakbang palapit
Sadya bang walang malinaw na sagot?
Parang palaisipan
Hulaan, 'lang kalaban-laban
'Di ka mailagan
Gusto mo lang ba 'ko
Sa tuwing ika'y nag-iisa?
Hula-hulaan, hula-hulaan
Hula-hulaan, hula-hula
Sige, sakyan ko na 'yong gimik
Halo-halo man ang pahiwatig mo
Dapat na bang matauhan?
Apat na buwan ka ng pinagbibigyan
Haba-haba ng patlang
Lumalalim kada hakbang palapit
Sadya bang walang malinaw na sagot?
Parang palaisipan
Hulaan, 'lang kalaban-laban
'Di ka mailagan
Gusto mo lang ba 'ko
Sa tuwing ika'y nag-iisa?
Ano'ng panghahawakan?
'Di malaman-laman
Sa 'kin mo lang ba 'to ginagawa?
Oh oh oh oh oh oh
Hula-hulaan, hula-hulaan
Hula-hulaan, hula-hulaan
Gusto lang ako 'pag nag-iisa
Hanap lang ako 'pag nangangamba
Gusto lang ako 'pag nag-iisa
Hanap lang ako 'pag nangangamba
Puro ka amba, nakakalito kang ibigin
Kung 'di pa handa, ba't pabalik-balik sa 'kin?
Puro ka amba, nakakalunod kang ibigin
Kung 'di pa handa, ba't pabalik-balik sa 'kin?
Hulaan, ano'ng panghahawakan?
'Di malaman-laman
Gusto mo lang ako sa 'yong pag-iisa