Binibini sa aking pagtulog, ika'y panaginip ko
Panaganip ng kathang dakila nitong pag iisip ko
Ang katulad mo raw ay birhen
Sa abang altar ng punong pag ibig
O kay ganda, o kay gandang mag alay sa'yo
Alaala, at isip at pagod, sa'yo'y binigay ko raw
Binibini, ang aking dalangi't dasal, dininig mo raw
Wika mo raw ay iingatan ko
Magpakailanman ang purong pag ibig
O kay ganda, o kay ganda mag alay sa'yo
Sa'king tanong magkatotoo kaya
Sagot mo para nang sinadya
Pagsapit ng magandang umaga, ako'y bumalikwas din
Panaginip naglaho't natunaw, ngunit naryan ka pa rin
Paraluman, ikaw ay akin
Sa bisang lakas ng purong pag ibig
O kay ganda, o kay gandang mag alay sa'yo
O kay ganda, o kay gandang mag alay sa'yo
O kay ganda, o kay gandang mag alay sa'yo
O kay ganda, o kay gandang mag alay sa'yo