menu-iconlogo
logo

Kung Wala Na

logo
Тексты
Kung wala nang ganap,

ang pagmamahal ay 'di na

Kailangan pang dalawang puso'y magkasama

Kung wala nang tamis sa damdamin na

Pag ibig ay hayaan na puso ay mag isa

Bakit nga ba iisipin

ang sasabihin ng iba

Gayong hindi siya ang nagdurusa

May bukas pang naghihintay

Sa pag ibig na kapwa kay lamig

Kapag wala na ang lambing

Na dati'y nag aalab sa init

Kapag ang puso ay napagod

na, wala na ang pananabik

Hindi ba't mabuting magkawalay

Puso sa iba'y dapat ialay

Pagkat wala nang pag ibig na naghihintay

Bakit pa ba ganoon, puso

ay kay hirap minsang turuan

'Di malaman, 'di maintindihan

Kung wala nang ganap

ang nadarama sa puso

Ay tama lang na kapwa'y lumaya na

Bakit nga ba iisipin

ang sasabihin ng iba

Gayong hindi siya ang nagdurusa

May bukas pang naghihintay

Sa pag ibig na kapwa kay lamig

Kapag wala na ang lambing

Na dati'y nag aalab sa init

Kapag ang puso ay napagod na

wala na ang pananabik

Hindi ba't mabuting magkawalay

Puso sa iba'y dapat ialay

Pagkat wala nang pag ibig na naghihintay

May bukas pang naghihintay

Sa pag ibig na kapwa kay lamig

Kapag wala na ang lambing

Na dati'y nag aalab sa init

Kapag ang puso ay napagod na

wala na ang pananabik

Hindi ba't mabuting magkawalay

Puso sa iba'y dapat ialay

Pagkat wala nang pag ibig na naghihintay