Isa para sa lahat lahat para sa isa 
Walang lamangan walang gulangan 
Lahat tayo ay pantay pantay 
Ganyan ang samahan na tunay 
Sa mundo nating kay gulo na 
Kapayapaa'y naglalaho na 
Ngunit kami ay narito pa 
Handang lumaban kung kailangan 
Hanggang katapusan kailanman 
Kahit na maghirap pagsubok ay ganap 
Tungkulin at pangako sa'yo'y susundin 
Dahil sa ating pagkakaisa 
Huwag kang matakot 'wag mangamba 
Kapangyarihan mo'y gamitin mo 
Karapatan mo ay ipaglaban mo 
Ngunit iisa pa rin tayo 
Kahit na maghirap pagsubok ay ganap 
Tungkulin at pangako sa'yo'y susundin 
Dahil sa ating pagkakaisa 
Huwag kang matakot 'wag mangamba 
Kapangyarihan mo'y gamitin mo 
Karapatan mo ay ipaglaban mo 
Ngunit iisa pa rin tayo