menu-iconlogo
logo

Harana

logo
Тексты
Alam kong nariyan ka

Buksan naman ang iyong bintana

Makikinig ka ba

Para sayo itong harana oh oh oh

Nagdadalawang isip kung itutuloy pa ba

Kahit na medyo may kaba

Tuhod ko'y nguminginig pa

Pano kung huwag nalang kaya

Kanina pa ako dito sa tapat ng bahay niyo

Nagbabakasakali na ito'y kayanin ko

Meron kasi akong nasulat na para sayo

Pwede ba pakinggan mo

At sana maibigan mo ang awit ko

Pati ako oh oh oh oh

Hayaan mo akong iparamdam sayo ang pagmamahal ko

Gamit ang haranang sulat ko sayo

Alam kong nariyan ka

Buksan naman ang iyong bintana

Makikinig ka ba

Para sayo itong harana oh oh oh

Napakaganda mong pagmasdan

Habang dumudungaw ka sa aking harapan

Sa isip ko bakit hindi kita mapalitan

Akoy natulala istun buo kong katawan

'Di ko kayang na ibaling mga mata ko

Ako ay nahumaling na agad sayo

Feeling ko kasi tayo ay pinagtagpo

Ng tadhana na sadyang talagang mapaglaro

Mundo ko'y biglang nagkakulay kulay nagkabuhay buhay

Isang tingin mo lang ako'y hulog sa hukaay

Tinamaan na ako sayo kaya humandusay

Pakiramdam ko sayo na ako habang buhay

Alam kong nariyan ka

Buksan naman ang iyong bintana

Makikinig ka ba

Para sayo itong harana oh oh oh

Pano ko ba to sisimulan eh kasi mukhang

Kapag kinantahan kita pagtawanan mo lang

Baka hindi mo ako pansinin at pagbuksan

Natatakot lang naman ako na mag mukhang timang

Kasi sa panahon ngayon ay bibihira ng makita

Yung haharanahin sa tapat ng bahay aawitan

Pero ako ay iba mali man ito sa mata nila

Mahalaga mapangiti kita

Hanggang ako'y mahalin mo rin

At doon lahat ng bagay sabay natin lasapin

Eh kaso pano nga ba natin yun gagawin

Eh kung pinto nga ng bahay niyo 'di ko kayang katukin

Alam kong nariyan ka

Buksan naman ang iyong bintana

Makikinig ka ba

Para sayo itong harana yea yea

Harana от JNSKE/MC Einstein /Bullet D/FLOW G - Тексты & Каверы