menu-iconlogo
logo

Bathala

logo
Тексты
Bathala

Likha ninyo ang bawat bagay sa mundo

Lupang kayumanggi't luntiang bukirin

Alat ng dagat at tamis ng hangin

Bathala

Ang bawat bagay na nagmula

Sa inyong palad

Ay may tungkulin sa mundong

Kinagisnan

Sa pagtupad nito ang lahat

Ay tinitimbang

Ang tao

Inyong hinugis at pinaahon sa lupa

Pinagkalooban ng talino at diwa

Upang mundo'y ipaglaban

Talino

Naging ararong nagpaamo sa parang

Naging kpit na sumagupa sa karagatan

Naging apoy na nagpalayas sa karimlan

Sagana

Sa kayamanan ang mundong inyong likha

At may bahagi rito ang bawa't nilalang

Kung susuyuin lang mula sa kalikasan

Subalit

Buhay dalisay ay di sapat sa iilan

Silaw nasilaw sa kinang ng kasakiman

Ganid na diyos ang sinamba

Pinaghahati-hatian po nila ang lupa

Karagatan at himpapawid

Ngayo'y may bakod na

Kapwa tao't hayop ma'y

Inaagawan ng tahanan

Walang nakaliligtas

Sa kanilang karahasan

Kaunlaran at kabutihan

Daw ang kanilang sadya

Subalit ang lumilitaw

Ay isang panggagahasa

Bathala

Ako'y hinugis nyo't pinaahon sa lupa

Ang aking buhay ay dito nagmula

At dito rin inaalay

Bathala

Bigyang lakas itong inyong tanod lupa

Upang umiral sa mapagsamantala

Panalangin ko'y dinggin harinawa

Bathala

Bathala от Joey Ayala - Тексты & Каверы