menu-iconlogo
logo

Dumaan Ako

logo
Тексты
Dumaan ako

Sa tahimik na ilog

Ang buong mundo ay parang natutulog

Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog

Parang ang puso ko itong nadudurog

Kung mag isa ako ay huwag nang isipin

Sa dilim ay dapat pa akong hanapin

Habang may luha

Ay huwag pang ibigin

Sa pangarap ko

Ay huwag nang gisingin

Kaya kong maghintay sa mga tula mo

At makinig sa awit mula sa kabilang dako

At sa paglalakad sa lilim ng mga puno

Matutuklasan ang laman ng pusong malayo

At mapapanood ang sayaw ng mga tutubi

Sabay sa indak at lipad ng ibong humuhuni

At hihinahon na itong hindi mapakali

At makakahimlay sa mapayapang gabi

Dumaan ako sa tahimik na ilog

Ang buong mundo ay parang natutulog

Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog

Parang ang puso ko nga itong nadudurog

Parang ang puso ko itong nadudurog

Dumaan Ako от Joey Ayala - Тексты & Каверы