menu-iconlogo
logo

Magkabilaan

logo
Тексты
Ang katotohanan ay may dalawang mukha

Ang tama sa iyo ay mali sa tingin ng iba

May puti may itim liwanag at dilim

May pumapaibabaw at may sumasailalim

Ang tubig ay sa apoy ang lupa ay sa langit

Ang araw ay sa gabi ang lamig naman sa init

Kapag nawala ang isa ang isa'y di mababatid

Ang malakas at ang mahina'y magkapatid

Magkabilaan ang mundo magkabilaan

Ang mundo magkabilaan ang mundo

Ang hirap ng marami ay sagana ng iilan

Ang nagpapakain walang laman ang tiyan

Ang nagpapanday ng gusali at lansangan

Maputik ang daan tungo sa dampang tahanan

May mga haring walang kapangyarihan

Meron ding alipin na mas malaya pa sa karamihan

May mga sundalo na sarili ang kalaban

Ay may pinapaslang na nabubuhay nang walang hanggan

Magkabilaan ang mundo

Magkabilaan ang mundo

Magkabilaan ang mundo

May kaliwa't may kanan sa ating lipunan

Patuloy ang pagtutunggali patuloy ang paglalaban

Pumanig ka pumanig ka huwag nang ipagpaliban pa

Ang di makapagpasiya ay maiipit sa gitna

Bulok na ang haligi ng ating lipunan

Matibay ang pananalig na ito'y palitan

Suriin mong mabuti ang iyong paninindigan

Pagkat magkabilaan ang mundo

Magkabilaan ang mundo

Magkabilaan

Magkabilaan ang mundo

Magkabilaan от Joey Ayala - Тексты & Каверы