Tipo bang walang magawa
Tipo bang sawang-sawa ka na sa buhay
Ganyan ang pirmeng nangyayari
Sa laging nakakulong sa bahay
Hindi sapat ang managinip na lang buong araw
Di sapat ang magkamot na lang ng tiyan
Ang tanging gamot sa kainipan ay
Maglakad maglakad sa lansangan
Maglakad maglakad
Kay raming makikita
Maglakad maglakad
Igalaw ang iyong paa
Maglakad sa lansangan
Isuot ang iyong sapatos tsinelas o bakya
At kung ika'y ganahan puedeng magpaa
At maglakad nang dahan-dahan
Huwag kang maghabol
Iyo ang panahon easy lang
Maglakad pagmasdan sari-saring hayop
Mga m**k na nagtatawiran
Asong nagliligawan
Pusang nagpapa-araw
Naliligong kalabaw
Kambing nagmemerienda
At marami pang iba
Maglakad pagmasdan sar-saring mga tao
Mga lolang nakatabako mga nagkukutuhan sa hagdan
Mag lolong de baston mga batang walang pantaloon
Nagkekembutang mga d**a at marami pang iba
Maglakad sa lansangan sariwain ang isipan
Tanggalin ang iyong inip luwagan ang ulong naninikip
Maglakad maglakad sa lansangan
Maglakad maglakad
Kay raming makikita
Maglakad maglakad
Huwag kang maghabol
Iyo ang panahon easy lang
Maglakad maglakad
Maglakad maglakad