Parang kailan lang ay hawak mo'ko kamay,
Parang kailan lang ay
Ikaw pa ang gumagabay..
Akay akay mo ako at yakap
Ko ang 'yong bisig,
Nakakatulog sa tuwing
Naririnig ang 'yong tinig..
Sana paggising ko'y makita
Ko ulit ang 'yong ngiti.
Sana paggising ko'y maulit
Natin yung mga sandaling
Ako'y hawak mo sa palad
Mo nananabik sa yakap mo.
Sana'y maulit sana'y
Maulit kelan paba mauulit.
Kahit ngayo'y malayo
Na't tumatayo ng mag isa
Iba parin ang 'yong dalang
Pagmamahal pag nanjan ka.
Kahit di ko man masabe sayo
Ma kung gaano kahalaga.
Hanggang ngayon nananabik
Parin ako sa iyong pagmamahal.
Gusto kong malaman mong
Mahal kita, at kahit
Minsan pasaway ako at ika'y nagagalit.
Alam kong hindi ka
Nagsawang umunawa sakin,
Kaya ito ako ngayon
Dahil sayo, mahal kita
Wag mong iisiping hinayaan na.
Hindi man na magawang kausapin ka.
Nandirito ka parin sa aking
Puso, dahil ikaw ang nagturo
Kung papano magpahalaga.
Kahit di tayo ma ngayon nagkakasama,
Lagi lang bumabalik ang mga ala ala..
Natin nung ikaw pa
Sakin ang nag aalaga..
Mahal kita sana ay alam mo na.
Sana paggising ko'y makita
Ko ulit ang 'yong ngiti.
Sana paggising ko'y maulit
Natin yung mga sandaling
Ako'y hawak mo sa palad
Mo nananabik sa yakap mo.
Sana'y maulit sana'y
Maulit kelan paba mauulit.
Kahit ngayo'y malayo
Na't tumatayo ng mag isa
Iba parin ang 'yong dalang
Pagmamahal pag nanjan ka.
Kahit di ko man masabe sayo
Ma kung gaano kahalaga.
Hanggang ngayon nananabik
Parin ako sa iyong pagmamahal.