Nagsimula sa asaran
hanggang nauwi sa seryosohan
ang pinag-uusapan
At 'di na namalayan
Na dahan-dahan na binubuksan ang pintuan
Ng ating mga damdamin na tila may
Kakaibang nangyayari
di maipahiwatig ang ibig na sabihin
may gusto ka bang aminin
Pero hindi mo na kailangan pa
Kasi alam mo ba
Na alam ko nang
May tinatago ka
Pero natatakot pa
Kasi alam mo ba
Siguro alam mo na
Parehas lang naman
Tayong dalawa na
Nagtatagu-taguan
Nagtatagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang
Isa dalawa tatlo
Ayoko nang maglaro
'Di na naman tayo mga bata para
Itago ang tunay na nararamdaman
Pilit mang hanapin
'di ko pa rin mawari
Ang ibig na sabihin
kailan ba aaminin
At tuwing nagtitinginan ang mga mata
Para bang nakapagtataka
Nahihirapan man na magbasa
Pero naiintindihan ko na
Kasi alam mo ba
Na alam ko nang
May tinatago ka
Pero natatakot pa
Kasi alam mo ba
Siguro alam mo na
Parehas lang naman
Tayong dalawa na
Nagtatagu-taguan
Nagtatagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang
Kasi alam mo ba
Na alam ko nang
May tinatago ka
Pero natatakot pa
Kasi alam mo ba
Siguro alam mo na
Parehas lang naman
Tayong dalawa na
Nagtatagu-taguan
Nagtatagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang
Nagtatagu-taguan
Nagtatagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang