menu-iconlogo
logo

alas dos

logo
Тексты
Andami na namang gumugulo sa isip ko

Ba't ba ganito 'di na naman malaan

Kung sa'n magtutungo, nakakalito, oh

Pipiliin ba kung ano ang aking gusto

Susundan ko ba ang aking puso

O ang utak kong mahilig lang magmarunong?

Lagi na lang may bumubulong

Na diyan ka na lang sa dilim

Yakapin mo nang mahigpit

Dito mo mahahanap ang 'yong sarili

At hindi sa pagngiti, 'di ako nito pinilit

Pero ako ay mas kumalma at napaisip

Dito rin naman ako lumaki

Dito na lang din ako hanggang sa huli, yeah

Alas dos na naman ng umaga, umaga

Ang utak ko'y nasa malayo na, layo na

Alas dos na naman ng umaga, umaga

Nag-aantay sa pagtila ng ulan

Andami na namang gumugulo sa isip ko

Ang hirap ng gan'to, oh

Tutuloy ko ba itong mga pangarap ko

At aking mga pangako, oh

Sa sarili kong ayaw na ring bumangon

Mula pa sa kahapon, ang mga tanong sa isip ko

Na siyang gumagabay patungo sa pagkalungkot

At dito na lang sa dilim

Yayakapin ko nang mahigpit

Dito ko mahahanap aking sarili

At hindi sa pagngiti, 'di ako nito pinilit

Pero ako ay mas kumalma at napaisip

Dito rin naman ako lumaki

Dito na lang din ako hanggang sa huli, yeah

Alas dos na naman ng umaga, umaga

Ang utak ko'y nasa malayo na, layo na

Alas dos na naman ng umaga, umaga

Nag-aantay sa pagtila ng ulan

Lahat ng 'to'y nung panahong ako'y nababalisa

Madalas mapalayong takbo ng utak 'pag mag-isa

Kinakausap ang sarili, ano ba talaga?

Hahayaan ba natin magharing negatibong enerhiya

Subukan mong palitan mga ilaw napundi na

Buksan mga kurtina ng makita ang liwanag

Masakit man sa'ting mata'y 'wag mag-alinlangan

Dahil mga nangyayari ay iyong kagagawan

Walang mangyayari kung makipagturuan

Salubungin ang kinabukasan, dumi ay hugasan

Bawat patibong ay lampasan at gawin mo ang mga bagay

Na ayon sa'yong kagustuhan, hindi sila ang may karapatan

Kwento ng buhay mo'y na sa'yong kasulatan

Hmm, yeah, aye, yeah, wala nang iba

Wala nang iba, wala nang iba

Kaya ang ihayag mong istorya

Ay 'yung meron kang pagkakatuwaan

Lagi mong pagkakatandaan

Kwento ng buhay mo'y na sa'yong kasulatan

alas dos от Josue - Тексты & Каверы