Parang kailan lang ay hawak mo'ko kamay
Parang kailan lang ay ikaw pa ang gumagabay
Akay- akay mo ako at yakap ko ang 'yong bisig
Nakakatulog sa tuwing naririnig ang 'yong tinig
Sana paggising ko'y makita ko ulit ang 'yong ngiti
Sana paggising ko'y maulit natin yung mga sandaling
Ako'y hawak mo sa palad mo nananabik sa yakap mo
Sana'y maulit sana'y maulit kelan paba mauulit
Kahit ngayo'y malayo na't tumatayo ng mag isa
Iba parin ang 'yong dalang pagmamahal pag nanjan ka
Kahit di ko man masabe sayo ma kung gaano kahalaga
Hanggang ngayon nananabik parin ako sa iyong sa iyong sa iyong pagmamahal
Pagmamahal
Gusto kong malaman mong mahal kita at kahit
Minsan pasaway ako at ika'y nagagalit
Alam kong hindi ka nagsawang umunawa sakin
Kaya ito ako ngayon dahil sayo mahal kita
Wag mong iisiping hinayaan na
Hindi man na magawang kausapin ka
Nandirito ka parin sa aking puso
Dahil ikaw ang nagturo kung papano magpahalaga
Kahit di tayo ma ngayon nagkakasama
Lagi lang bumabalik ang mga ala ala
Natin nung ikaw pa sakin ang nag aalaga
Mahal kita sana ay alam mo na