menu-iconlogo
logo

Awit Sa Ina Ng Santo Rosaryo

logo
Тексты
Awit Sa Ina Ng Santo Rosario

Minsan ang buhay ay isang awit ng galak

At mayroong liwanag na tatanglaw sa ′ting pagyapak.

Minsan ang buhay ay isang awit ng luha

At s'yang papawi nito ay ang pag-asa ng umaga

At kahit anong tindi ng unos

At kahit anong tindi ng dilim

May isang Inang namamatyag,

Nagmamahal sa′tin.

Awit N'ya'y pag-ibig ng Diyos

Tawag N′ya′y magbalik loob

Turo N'ya′y buhay na ang Diyos lamang sa ati'y nagkaloob

Koro 1

O Inang mahal narito kami

Awit awit ang Ave Maria

At dalangin ng bawat pamilya′y

Kapayapaan at pagkakaisa.

Ang Rosaryo mong hawak namin at awit awit ang Ave Maria,

Puspos ka ng diwang banal dinggin ang aming payak na dasal, ihatid mo kami sa langit ng Amang mapagmahal.

Koro 2

O Inang Mahal narito kami awit awit ang Ave Maria

At dalangin ng bawat pamilya'y kapayapaan at pagkakaisa.

Ang Rosaryo mong hawak namin at awit awit ang Ave Maria,

Puspos ka ng diwang banal dinggin ang aming payak na dasal, ihatid mo kami sa langit ng Inang mapagmahal.

Awit Sa Ina Ng Santo Rosaryo от Karylle/Bukas Palad Music Ministry - Тексты & Каверы