menu-iconlogo
logo

Sa'yo Na Lang Ako

logo
Тексты
Narinig mo ba ang puso ko

Ang pagtibok ay 'di ordinaryo

Kung alam mo lang

Ang tunay na pakiramdam

'Di sana'y nagsimula na ang istorya

Pero 'di hindi mo alam ang nasa isip ko

Ayaw ko naman tuluyan kang ilito

Dapat na bang ipaalam ito

Ang tunay kong pagtingin sa 'yo

Kung pwede lang naman

Kung pwede lang pag bigyan pag ibig ko sa 'yo

'Di papatalo

Kung okay lang naman

Pwede bang ikaw na lang ang bubuo sa buhay kong ito

Kung pwede lang ako na lang sa 'yo

'Di ko maintindihan o bakit ganyan

Ang pag ibig ko sa 'yo ay sadyang 'di nagbago

Kung sana lang alam mo

Pero 'di hindi ko alam kung pa'no sasabihin sa 'yo

Baka naman tuluyan kang lumayo

Sana nama'y paniwalaan mo

Ito ay pagtinging totoo

Kung pwede lang naman

Kung pwede lang pag bigyan pag ibig ko sa 'yo

'Di papatalo

Kung okay lang naman

Pwede bang ikaw na lang ang bubuo sa buhay kong ito

Kung pwede lang ako na lang sa 'yo

Ipilit ko man

Paikutin ang buwan

Kung puso mo'y 'di kumibo

Ba't ko pa susundan

Isipin mo na lang may isang nagmamahal sa 'yo

At ito'y ako

Kung pwede lang naman

Kung pwede lang pag bigyan pag ibig ko sa 'yo

'Di papatalo

Kung okay lang naman

Pwede bang ikaw na lang ang bubuo sa buhay kong ito

Kung pwede lang sa 'yo na lang

Ako

Sa'yo Na Lang Ako от Karylle - Тексты & Каверы