Uy! si Loonie yun ah?
Tara lapitan natin..
Idol FlipTop tayu..
Tara isa lang kuya.. Sige na...
Parinig naman ng rap
mo! sample naman d'yan
Ang ganda naman ng cap
mo! arbor nalang yan
Ang yabang mo naman! wala
ka bang kanta na bago?
Bakit wala kang battle?
Takot ka bang matalo? Ha?
Paulit ulit ang tanong ng mga tao
Wag sanang apurado, anong magagawa ko?
Wala akong maisip, masyado pang mainit
Akala mo tuloy mukhang
suplado pag tahimik
Pagod lang talaga, galing gig Tuguegarao
Walong oras sa van,
tatlong oras sa kalabaw
Tapos pag uwi ko pa para
bang hindi ko malaman
kung bakit ang buhay ko ay
para bang naging pelikula
Laging puyat! Nagkalat
ang papel na nilamukos
Andame ng kapeng ipinautos
Tinta ng aking bolpen, malapit ng maubos
Isang patak na lang pero aking ibubuhos
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin
Dapat bang kamuhian o dapat ba na
tularan ang 'sang tulad ko na tao lang
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang
Sapul sa pagkabata, sablay nung tumanda
Lumakad humakbang hanggang sa madapa
Wag kang mawawalan ng
pag asa, wag kang madadala
Kung wala ka pang mali
wala ka pang nagagawa
Madadapa ka muna bago
ka matutong lumakad
Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad
Kaya wag kang matakot magkamali
Pero alalay lang wag
kang masyadong magmadali
Yan ang sabi sa akin ng aking itay
Na pinapaalala palagi sakin
ni inay na kadalasan ay
hindi nasusunod
Ayoko ng sumali, gusto kong manuod
Minsan wala ng gana, ayoko ng mag Rap
Kase akala ko dati, alam ko na lahat
Yun pala kulang pa ang
kaalaman kong labis
Ngayon alam ko na kung
ba't may pambura ang lapis
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin
Dapat bang kamuhian o dapat ba na
tularan ang 'sang tulad ko na tao lang
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang, pasensya na
Pero di ba tao ka lang
din, hindi mo ba napansin?
Kahit anong taas mo na,
titingala ka pa rin
Kahit planuhin mong mabuti,
bakit ganun pa din?
Di maiwasan na magkamali
kahit anong gawin
Kadalasan, nangyayari
ay ang kabaliktaran
Marami kang detalye na makakaligtaan
Mamamali ka ng daan lalo
kung wala kang g'anong alam
Ano magagawa mo? Tao ka lang
Napapagod, natatakot, naiinip
Natatawa, nagtataka, naiinggit
Nangangawit, nagagalit, nabibigla
Nalulungkot, nauutot, nahihiya
Natutukso, nakukonsensya,
nauubusan din ng pasensya
Nasasaktan, nagmumura pero
nagmamahal pa rin kahit natuto na
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin
Dapat bang kamuhian o dapat ba na
tularan ang 'sang tulad ko na tao lang
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
Ako ay tao lang din naman na
tulad mo (tao lang pasensya na)
Ano ba ang dapat na gawin (ano ba)
Dapat bang kamuhian (ano ba)
O dapat ba na tularan ang
'sang tulad ko na tao lang
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang
Kagaya mo, tao lang
Pasensya na... tao yeah
Pasensya na, wala tayong pagkakaiba..
Pasensya na, sorry naman
Kung pwede lang sanang isoli na lang
Pasensya na