menu-iconlogo
logo

Twelve.twofive [12.25]

logo
Тексты
Hanggang sa huli ko na hangin

Ang tangi kong panalangin

Sa'yo at sa'yo babalik nais makapiling

Marami nang dalangin ang aking nabitin

Gano'n pa man sa'yo parin sasabihin

Hinanakit hanggang sa paghiling

Ikaw ang natatanging dasal

Mananatiling sa'yo mahal

Hindi takot na 'di magtagal

Pasasalamat sa maykapal

Lahat ng pait siya ang nagtanggal

Ang tanging hiling (Yeah, yeah, yeah, yeah)

Ika'y makapiling (Yeah, yeah, yeah, yeah)

Sa huli ng lahat ng 'to

Gusto kong mauwi sa mainit na yakap mo (Yeah,yeah)

Binalikan mo 'ko kahit na

Binitawan kita

Kahit na umiba ng landas

Hindi mo 'ko ipinagpabukas

Ramdam ko ang pag-ibig mo

Walang katulad (Oh, Yeah)

Itinayo ako para makalakad

Oh, sa yakap mo

Sa init ng bisig habang nakatitig

Napapawi ang lamig sa paligid

Kaya naman

Oh, sa ngalan mo

Sa ganda ng himig at nakikinig

Nawawala ang takot sa'king isip

Kaya naman

Sana ako'y patawarin

'Di man araw-araw na bisitahin

Wala nang ibang hahanapin

Ikaw lang gusto kong makapiling

O ang gusto ko lang naman ay pagbigyan mo

Pakinggan ang tibok ng puso at damdamin ko

Ikaw ang dahilan kung ba't patuloy ang mga hakbang

'Di mapapagod sa byahe ako'y deretso lang

Umulan o umaraw, pipilitin ko parin ako ay dumalaw

Ano mang hirap ay titiisin dahil ang pagmamahal mo lang ang ibabaw

Gaano man kadilim, alam ko sa sarili ko na sa'yo lang nakatingin

Hinding-hindi babalewalain

Buong pusong tatanggapin ang

Langit ay aabutin, pati mga bituwin ay susungkitin

Masuklian ko lang lahat ng sakripisyong ginawa mo para sa'kin

Kaya sa'yo ay salamat

Gusto ko na malaman mo

'Di ako nararapat

Na makatanggap ng pag-ibig mo

Kaya sa'yo ay salamat

Gusto ko na malaman mo

'Di ako nararapat

Na makatanggap ng pag-ibig mo

Oh, sa yakap mo

Sa init ng bisig habang nakatitig

Napapawi ang lamig sa paligid

Kaya naman

Oh, sa ngalan mo

Sa ganda ng himig at nakikinig

Nawawala ang takot sa'king isip

Kaya naman

Oh, sa yakap mo

Sa init ng bisig habang nakatitig

Napapawi ang lamig sa paligid

Kaya naman

Oh, sa ngalan mo

Sa ganda ng himig at nakikinig

Nawawala ang takot sa'king isip

Kaya naman

Twelve.twofive [12.25] от Mooz PH/DonMigs - Тексты & Каверы