Kakalimutan na kita
Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo
Napagisipan mo na ba
Dahil kakalimutan na kita
Eto na
Eto na
Kakalimutan ko narin
Mga sinabi mong wala palang ibig sabihin
Pati narin ang 'yong ngiti
At mga luha sa 'yong paghikbi
Eto na
Eto na
Buburahin na sa isip
Ang hugis ng iyong mga mata sa 'yong pagtawa
Kung pano ka ba manamit
Pati kung pano ka ba umidlip
Eto na
Eto na
Paalam na nga ba?
Kung hindi na tayo magkikita
Nawa ay mangyaring
Hilahin tayo ng kamay ng Diyos
Sa isang pagkikita
Sa isang pangitain
Kakalimutan na kita
Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo
Napagisipan mo na ba
Dahil kakalimutan na kita
Eto na