menu-iconlogo
logo

Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko Acoustic

logo
Тексты
Kung tayo ay matanda na

Sana’y di tayo magbago

Kailan man, nasaan ma’y

ito ang pangarap ko

Makuha mo pa kayang

Ako’y hagkan at yakapin, hmm hmm

Hanggang sa pagtanda natin

Nagtatanong lang sa 'yo

Ako pa kaya’y ibigin mo

Kung maputi na ang buhok ko?

Pagdating ng araw

Ang ‘yong buhok, ay puputi na rin

Sabay tayong mangangarap

Ng nakaraan sa ‘tin

Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmm hmm

Ipapaalala ko sa ‘yo

Ang aking pangako

Na ang pag ibig ko’y laging sa ‘yo

Kahit maputi na ang buhok ko.

(INSTRUMENTAL)

Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmm hmm

Ipapaalala ko sa ‘yo

Ang aking pangako

Na ang pag ibig ko’y laging sa ‘yo

Kahit maputi na ang buhok ko…

Kahit maputi na ang buhok ko…

(CREATED RENZO)