menu-iconlogo
logo

Tuwing Umuulan At Kapiling Ka

logo
Тексты
Pagmasdan ang ulan

Unti unting pumapatak

Sa mga halama't mga bulaklak

Pagmasdan ang dilim

Unti unting bumabalot

Sa buong paligid t'wing umuulan

Kasabay ng ulan

Bumubuhos ang 'yong ganda

Kasabay ng hanging kumakanta

Maari bang huwag ka na

Sa piling ko'y lumisan pa

Hanggat ang hangi't ula'y tumila na

Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan

Tulad ng pag agos mo

'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab

Pag ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan

Unti unting tumitila

Ikaw ri'y magpapaalam na

Maari bang minsan pa

Mahagkan ka't maiduyan pa

Sa tubig at ulan lamang ang saksi

Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa

Hatid mo ma'y bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo

Pag ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

La la la

La la la

La la la la la la la la

La la la la la la la la la

Maari bang minsan pa

Mahagkan ka't maiduyan pa

Sa tubig at ulan lamang ang saksi

Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan

Tulad ng pag agos mo

'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab

Pag ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan at kapiling ka

Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa

Hatid mo ma'y bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo

Pag ibig ko'y umaapaw

Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa

Tuwing umuulan

Tuwing umuulan

Tuwing umuulan at kapiling ka

Tuwing Umuulan At Kapiling Ka от Noel Cabangon - Тексты & Каверы