Lagi kitang naiisip
Maging sa aking panaginip
Ninanais na makita
At maka-usap kahit saglit
Umaasa na palagi
Yakap at kapiling kita
'Di mo ba alam na ikaw ang pangarap ko?
Damdamin ko ay 'di magbabago
'Di ko kayang limutin ang tulad mo
Sana ay malaman mo ito
'Di mo ba alam na ikaw lang sa puso ko?
Lahat gagawin kung para sa 'yo
Paglimot ay wala sa isipan ko
Basta't ako ay maghihintay
Kung para sa 'yo...
Kapag ikaw ay kasama
Langit sa puso ang nadarama
At tunay na kay ligaya
Ang sandali kung mayayakap ka
Umaasa na palagi
Yakap at kapiling kita
Di mo ba alam na ikaw ang pangarap ko?
Damdamin ko ay 'di magbabago
'Di ko kayang limutin ang tulad mo
Sana ay malaman mo ito
'Di mo ba alam na ikaw lang sa puso ko?
Lahat ay gagawin kung para sa 'yo
Paglimot ay wala sa isipan ko
Basta't ako ay maghihintay
Kung para sa 'yo...
'Di mo ba alam na ikaw ang pangarap ko?
Damdamin ko ay 'di magbabago
'Di ko kayang limutin ang tulad mo
Sana ay malaman mo ito,
'Di mo ba alam na ikaw lang sa puso ko?
Lahat gagawin kung para sa 'yo
Paglimot ay wala sa isipan ko
Basta't ako ay maghihintay
Kung para sa 'yo,
Kung para sa 'yo..