Kay tagal naring naghahanap
Pagmamahal na sadyang wagas
Isang paglingap na mabibigay
Sa aking buhay ng
Tibay at lakas
Sa dinami ng daang dinahak
Tanging sayo pala ang kasagutan
Panginoong mahal ikaw palang may hawak
Susi sa ligayang magpakailanman
Ikaw pala ang nagbibigay liwanag at pagasa
Tila isang ngiti na sa aki'y nagniningning
Ikaw pala ang kailangan
Tugon sa aking dasal
Gabay at pagmamahal na walang hangan
Kay gaan ng puso at damdamin
Ngayong ikaw ay nasa aking buhay
Anong pagsubok man ika'y nakaalalay
Kaibigan kang di malilimutan
Ikaw pala ang nagbibigay liwanag at pagasa
Tila isang ngiti na sa aki'y nagniningning
Ikaw pala ang kailangan
Tugon sa aking dasal
Gabay at pagmamahal na walang hangan
Gano man kadalas
Kitang talikuran at saktan
Ang pagpapatawad ay agad lagi mong laan
Kailan pa man kailan pa man
Ikaw parin ikaw parin
Handa akong tangapin tangapin
Ikaw pala ang nagbibigay liwanag at pagasa
Tila isang ngiti na sa aki'y nagniningning
Na sa aki'y nagniningning
Ikaw pala ang kailangan
Tugon sa aking dasal
Gabay at pagmamahal
Gabay at pagmamahal
Na walang hangan