Hoy hoy buloy
Naaalala mo pa ba nung tayo'y nagsasama
Hoy hoy buloy naaalala mo pa ba ang iyong mga
Sinabi nung ako'y may problema
Sabi mo lahat ng
Problema'y kayang lampasan
Basta't tayo'y nagsasama at nag iinuman
Hoy hoy buloy naaalala mo pa ba nung
Ako ay ma kick out kasi daw ako'y tanga
Hoy hoy buloy naaalala mo pa ba nung ako ay
Napalayas ng aking ama't ina
Mangiyak ngiyak na ko pero
Sabi mo ay ok lang yan
Basta't tayo'y nagsasama at nag iinuman
Kaya naman ako bilib sa iyo
Kasi parang napakatibay mo
Lahat ng iharang ay kaya mong daanan
Basta't mayroong bentang alak
Diyan sa may tindahan
Hoy hoy buloy naaalala mo pa ba nung araw na na dedo
Ang aso kong si morlock hoy hoy buloy
Naaalala mo pa ba nung ika'y tumawag sa 'kin
At ika'y imiiyak
Tapos pagkatapos nun kay tagal mong nawala
Nagulat nalang ako nung narinig ko ang balita
Akala ko pa naman na marunong kang magdala
Nalaman ko na lang na ika'y nagpakamatay na
Hoy buloy nasaan ka man siguradong kawawa ka
Malamang walang alak diyan hoy buloy
Nasaan ka man siguradong
Hindi ka namin malilimutan
Hoy buloy buloy buloy
Hoy buloy buloy buloy
Hoy hoy buloy
Para bang nalimot mo na
Ang iyong mga sinabi
Nung ikaw ay buhay pa