Kung ganda ang pag uusapan
Ay higit na ang Pilipina
Sa lungkot man o sa ligaya
Karinyosa rin at masaya
Sa gitna man ng kahirapan
May sigla pa rin kung kumilos
Pilipina ay karinyosa sa pag irog
Ay hirang, sinta kitang tunay
Puso mo ay ginto
Pangarap ng bawat nagmamahal
Ay mutya, yaman ka sa buhay
Binata ay dukha
Pag di ka nakamtan
Ang pangarap ko sa pag ibig
Ay maging akin hanggang langit
Ang isang tapat kung gumiliw
Ang pagsuyo'y di mawawaglit
Matupad ko lamang ang nais
Hahamakin ko ang panganib
Sapagkat ako'y karinyosa kung umibig
Ang puso laging nalulumbay
Kung lilimutin mo
Ang pagsintang wagas aking mahal
Irog ko nahan ang pag asa
Ng tanging pagsintang
Wari'y magdurusa
Kung ganda ang pag uusapan
Ay higit na ang Pilipina
Sa lungkot man o sa ligaya
Karinyosa rin at masaya
Sa gitna man ng kahirapan
May sigla pa rin kung kumilos
Pilipina ay karinyosa sa pag irog
Ay hirang, sinta kitang tunay
Puso mo ay ginto
Pangarap ng bawat nagmamahal
Ay mutya, yaman ka sa buhay
Binata ay dukha
Pag di ka nakamtan
Kung ganda ang pag uusapan
Ay higit na ang Pilipina
Sa lungkot man o sa ligaya
Karinyosa rin at masaya
Sa gitna man ng kahirapan
May sigla pa rin kung kumilos
Pilipina ay karinyosa sa pag irog
Ay hirang, sinta kitang tunay
Puso mo ay ginto
Pangarap ng bawat nagmamahal
Ay mutya, yaman ka sa buhay
Binata ay dukha
Pag di ka nakamtan